[vc_row][vc_column width=”1/4″][vc_gallery type=”flexslider_fade” interval=”5″ images=”17100,17103,17102,17101,17099″ onclick=”link_image” custom_links_target=”_self” img_size=”full”][/vc_column][vc_column width=”3/4″][vc_column_text]

Bilang kabahagi ng pagtataguyod ng paggamit ng wikang Filipino sa mga tanggapan ng pamahalaan, ang Dalubhasaan ng Tanggulang Pambansa ng Pilipinas (National Defense College of the Philippines), sa pakikipagtulungan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), ay nagsagawa kahapon (ika-28 ng Hunyo) ng pagsasanay para sa mga namumuno at kawani ng Kolehiyo ukol sa pagsulat ng korespondensiya opisyal.

[/vc_column_text][/vc_column][/vc_row][vc_row][vc_column width=”1/1″][vc_column_text]

Ang buong araw na pagsasanay ay pinamunuan nina Dr Miriam Cabila ng KWF at Propesor Eilene Antoinette Narvaez ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman.
Kasama sa isinagawang programa ay ang pagtalakay sa ortograpiyang pambansa at pagsasanay sa pagsulat ng mga liham at iba pang korespondensiya opisyal ng Kolehiyo.
Sa kanyang pangwakas na pananalita, ipinaliwanag ng Pangulo ng Dalubhasaan, RAdm Roberto Q Estioko AFP (Ret) PhD MNSA, ang kahalagahan ng paglinang ng wikang Filipino sa iba’t ibang larangan. Ayon sa kanya, ang wikang Filipino ay naging mahalagang bahagi ng makulay na kasaysayan ng Pilipinas.
Nagsasagawa ang Kolehiyo ng iba’t ibang pagsasanay para sa mga kawani upang patuloy na mapagbuti ang kanilang mga kakayahan. Ito ay alinsunod sa mga programa at polisiyang pantauhan ng Dalubhasaan.

[/vc_column_text][/vc_column][/vc_row]